Friday, March 18, 2011

Ikalawang Semestre, AY 2010-2011

Patapos na nga ang sem...

Isang taon na rin palang nakatapak ang paa ko sa Unibersidad ng Pilipinas. Naalala ko pa nung unang pasok ko dito, palagi akong kinakabahan, nahihiya, at ni hindi nag sasalita (taliwas sa madalas kong ginagawa). Pero sinubukan kong makipag kaibigan, yan na ata yung ayaw kong alisin sa pagkatao ko hahaha.

Matagal at patuloy akong nag aadjust dito sa paaralang ito at pinipilit kong maging komportable sa bawat araw ng pagtapak ko sa gate (teka may gate nga ba?) hanggang sa klasrum.

Patapos na nga ang sem...

Halos ngarag na ang mga estudyante dahil sa mga naghihirapang exam. Miski nga ako eh ramdam ko ang pwersa ng mga exam, pasahan ng problem set at final papers. Napapansin ko rin na unti-unting napupuno ang mga bahay sayahan (ang panget pakinggan ng bahay aliwan eh) twing gabi, marahil paraan iyon ng mga magaaral para magpakaligaya sa semestreng unti unti nang natatapos.

Patapos na nga ang sem...

Naririnig ko na ang tunog ng graduation march sa mga mababa at mataas na paaralan, nakikita ko na ang mga ngiti ng bawat magulang sa pagtatapos ng kanilang mga anak. Banaag narin ang ligaya ng bawat magaaral sa kanilang napipintong pagtapak sa entablado matapos ang napakahabang panahon na ginugol nila sa apat na sulok ng kanilang klasrum. Naalala ko tuloy nung elementary, high school at college graduation ko. Masaya na malungot! Masaya kasi syempre nakatapos ka na! :D Malungkot kasi magkakahiwa-hiwalay na kayo ng mga kaibigan mo at mamimiss mo ang mga memories na nabuo sa maliit na sulok ng silid aralan. :(

Patapos na nga ang sem...

Nagsisimula nang manlagas ang mga dahon ng Narra na nagsisilbing hudyat sa paparating na maiinit na klima. Summer! Oo, panahon kung saan napupuno ang swimming pools at iba't ibang beach nang mga tao na gustong labanan ang daladalang init ng panahon. Hudyat rin ito nang pagtatapos ng iklawang semestre at malamang ang kasunod na nito ay ang bakasyon - ang kinaasam-asam ng karamihan sa mga estudyante upang makapag pahinga at mag enjoy!

Patapos na nga ang sem...

Itong semestre na ito na yata ang pinaka gusto ko sa lahat lahat (teka teka, dapat pala di ako nagbibilang ng sisiw kapag hindi pa napipisa ang mga itlog)! Una, dito ako mas naging masaya at mas naging komportable sa paaralang ito. Ikalawa, natanggap ako sa scholarship para maipagpatuloy ko ang aking pagaaaral. Ikatlo, marami akong nakilalang kaibigan at higit sa lahat nakilala kita! Matagaltagal narin nung huli kong naramdaman ito, yung tipong mapapatae ka ng hindi oras, laging kakaiba yung pakiramdam, at yung masaya ka dahil nakikita mo siya. Pero matatapos na ang sem, makikita pa kaya kita? Halata na kasi ang mga indicators na matatapos na ang ikalawang semestre.

Patapos na nga ang 2nd sem!

No comments: