Friday, February 25, 2011

Keep on prevailing and dont stop!

Oo nga tama nga na hindi naman sa lahat ng panahon eh papanig sayo ang pagkakataon. Halos ilang linggo narin yung nakalipas matapos kong makita yung resulta ng exam ko sa soil and water conservation. Hindi ako mahihiyang sabihin na “Oo bagsak!”, pero hindi ibig sabihin noon na hindi ko naintindihan yung aming pinagaralan. At siguro naman, hindi rin yun ibig sabihin na isa akong mangmang. Isang aspeto lang naman yun ng pinagaralan ko nung nasa kolehiyo pa ako, pero iba yung ngayon, mas hard core! Isa pa, hindi ko masyadong binusising basahin yung instructions. Siguro nagging kampante ako na kayang kaya ko yung anumang lalabas sa aming eksamen. Hahaha! Tyaka natakot din ako sa right minus wrong (kaso isang part lang naman pala yun ng exam!) hahaha!

Medyo depressing yung ganon, lalo na’t napakahalagang maipasa ang bawat subject na inenrol mo at lalo na’t iskolar ka ng gobyerno. (Nakakatakot kasi kapag hindi mo natapos ang pag-aaral mo, kailangan mong irefund yung mga nagastos nila sayo. Tapos dos ang GWA na maintaining sa grad school). Halos, ilang araw din akong nagisip-isip kung ano yung dapat na gawin, ilang araw rin akong nalungkot at halos di makabasag pingan, ilang araw akong hindi ngumiti, tumawa, umutot, huminga (joke), at makipag usap sa mga kaibigan. Pero biglang pumasok sa isip ko yung karapatan kong maging malungkot lalo na’t nag paparty parin yung ilang estudyante na halos hindi na makagraduate sa dami ng ibinagsak na subjects sa unibersidad na eto. Isa pa, naisip ko rin na halos walng kwenta kung magmumukmok lang ako sa tabi at hindi babawi sa mga puntos na nasayang. Ang maslalong nagbigay saakin ng inspirasyon eh ng ginamit ni Lord yung kaibigan ko para isend saakin yung quotable quote ni Patrick Starfish. “Everything will be okay in the end. If it’s not okay, then it’s not the end!”

Ngayon, ginagawa ko nalang na inspirasyon yung mga nangyari. Ni halos pinagtatawanan ko na nga. (Okay din palang tawanan mo nalang yung mga ilan mong pagkakamali.) Next time, will give my full blast best! Tyaka, pipilitin ko naring hindi matakot… Redemption! Hihihihi

Pero siguro gusto lang ipaalam ni Lord na meron pa akong igagaling! Salamat Po! :D

Kaya kayo, whatever happened do not stop just keep on prevailing!