Aba, isang taon na pala halos ang lumipas. Akalain mong isang taon na akong nagttrabaho sa gobyerno ah este para paglingkuran ang mga tao. Hindi ko namalayan na lumipas ang isang taon. Makulay, Oo napaka kulay ng mga nangyari sa buhay ko sa nakalipas na isang taon.
Teka teka, mabalik tayo sa pamagat. Sino ba yung Juan?
Si juan, sa unang pagkakataon matapos hubugin ang pagkatao sa kolehiyo ay sumabak sa daloy ng mga alta sosyedad, tumapak sa lugar kung saan nagtataasan ang mga gusali, lumanghap ng mga usok na nagmula sa samu’t saring behikulo, nakakita ng mga nagkikinangang mga nilalang na mistula tinalo pa ang mga artista at mga ginintuang pigurin na itinitinda sa bangketa. Aba, naranasan rin pala ni juan na makisalimuha sa mga iba’t ibang nasyon, nakipag usap gamit ang lenguahe ng mga dayuhan. Unang beses mapuri ng mga bosing at unang beses rin namang makatikim ng kanilang pang-gagalaitii. Unang beses rin niyang makatanggap ng bayad sa kanyang serbisyo at unang beses na matanggap ito sa tseke na halos hindi makapaniwalang ganap na siyang produktibong Pinoy. Nalito rin naman siya sa mga gagawin, naligaw, naabutan ng ulan, nag lakad sa ulanan, pumasok ng nakatsinelas, tumulong sa isang pagdaraos, nagtala ng mga nangyari sa nasabing pagdaraos, at nagpadala sa pananakot ng isang naghahariharianan sa kanyang pinagttrabahuhan. Dito rin unang nakilala ni Juan ang mga taong tinuring nya at itinuring siyang isang kapatid at anak. Sa kanila niya natikman ang mga payo na hinugot mula sa kanilang mga iba’t ibang karanasan. At humubog sa bahag niyang kaisipan. Pero dito rin naranasan ni Juan na tupdin ang isang mabigat na desisyon upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Tuldok!
Isang bagong araw, bagong mga mukha, mga bagong makakasalimuha. Oo eto na yung simula ni Juan sa pagtapak sa gusali ng isang local na pamahalaan. Katulad ng mga ibang baguhan, tahimik hindi palakibo, madalas magtanong, takot sa pagkakamali, at pilit tinatagong anak siya ni ganito at pinsan siya ni ganyan. Spagkat dito uso ang mga matang mistula banal ngunit halimaw sa kalooblooban. Aba, dito nadanas ni Juan ang samu’t saring karanasan. Ngunit sa kabuuan isa iyon sa nagpakulay ng simple at magulo nyang buhay.
Si juan, sa mga unang buwan ay tuluyang nasawi sa aspeto ng pagibig, kasalanang siya mismo ang sanhi, ngunit ang lungkot na kanyang dinanas ay nilukob ng kalinga ng mga kaibigang nakapalibot sa kanya. Kaibigan? Oo dito din pala lumawak ang mga nakilalang tao na naging bahagi ng buhay ni Juan. Mga kaibigang may kaniya kaniyang lasa o masasabing sila’y iba’t ibang sangkap na nagpakulay lalo sa buhay niya. Pero hindi lamang saya ang napulot ni Juan sa tagpong ito, marami-rami rin naman ang kalungkutang nanuuot sa kanyang mga kalamanan. Salamat nalamang muli sa mga kaibigang nandyan lang sa kanto na natutulog at kalsada na handa siyang batukan kung siya’y nagmimistulang EMO. Divert, oo diversion ang ginawa ni Juan upang maslalong makalimot sa kung anu man. Kaya ayun, akalain mong tumutulong si Juan sa pagkakalat ng kaalaman sa mga bata, ukol sa natural na pag-aaral ng kalikasan sa instutusyon na kanyang pinagmulan. Sa kasalukuyan nasimulan narin ni Juan na pasukin ang pinakamimithi nyang unibersidad upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.... Teka, mahaba haba pa ang kanyang lakbayin hindi pa ito maaring tapusin.
Pero bakit nga ba ikunukwento ko si Juan, tyaka sino ba un?
Simple lang naman kung bakit ko siya naikwento. SALAMAT! Oo gusto ko lang mag pasalamat sa isang taon. Gusto ko lang umepal bago mag pasalamat. :D Para mas maganda, iisa isahin ko nga: Una sa Panginoon, ang pamilya ko, ang aking mga kaibigan, mga katrabaho, yung tatlo na hanggang sa kaslukuyan ay hindi ako kinakalimutan, sa bago kong inspirasyon, mga guro, sa mga batang aking naturuan, mga kaeskwela, kay kuyang LTO na nanghuli saamin dahil lang sa helmet, kay manong na hanggang sa ngayon eh hindi ako sinusuklian ng 2 piso kapag nasakay ako sa tricylcle nya, sa pinsan ko na parehas kaming kilala lamang sa dalawang letra, sa mga traffic enforcer sa aming bayan, sa calamba at sa LB, kay manong guard sa pagpapatay nya sa ilaw ng aming kwarto habang kausap ko yung tatlong mga bata, sa mga nakakasabay kong tumakbo kada madaling araw, sa mga sasakyang nakakasabay ko kada papasok sa trabaho at sa lahat ng mga hindi ko nabanggit. Salamat at Mabuhay kayo! :D
Masaya ako at naabot ko ang Isang taon! SALAMAT sa ISANG TAON at sa darating pang mga panahon!
Teka, ano pa kayang mangyayari kay Juan. God bless sa mga iba pang mangyayari sayo Juan!!!
TENK YOU TENK YOU!!!
P.S. President Noynoy, mamamasko ako sayo ha. XD
