PLANNING STAGE:
Pangkaraniwan na nating naririnig na ang mga pinagpplanuhang gala eh madalas hindi natutuloy. Siguro nga sa kabilang banda tama yon, pero kung gusto may paraan.
Maikwento ko lang. Research ako ng research kung saang beach pwedeng magpunta this holy week (cancelled yung trip namin ng mga pinsan ko), sa pakiusap na rin ni Roma (kating kati narin siya sa beach gaya ko, hahaha). Syempre, isinama ko na ang pag gawa ng costing, pati ang plan A at plan B. Isang komprehensibong text message na naglalaman ng impormasyon ukol sa isang beach sa Pagbilao, Quezon and ipinadala ko sa kanila. Umaasa akong may magrereply. Ngunit ako'y bigo!!! Wala ni isa sa kanila ang nagrereply. Halos mawalan na ako ng pag-asa....(syet para akong nagdidiliryo nito ah! Hihihihi)
Anyway, to cut the long story short. Natuloy kami, salamat kay Suzette sa pangugumbinsi kay Von at Angel. Salamat rin kay Roma na very very very ON THE GO! Hahaha
IMPLEMENTATION STAGE:
Nauna kami nila Von at Angel sa resort. Nakakatuwa, ang bait ni Sir Willie. Very reasonable yung ibinayad namin sa accomodation and the place is nice (kasi ang yaman pa ng biodiversity nung area).
Habang iniintay sila Susy at Roma, eh nilibang namin ang aming sarili sa pagkuha ng ilang mga litrato. At ang larawan sa baba ang pinaka nagustuhan ko. Syet! Ang porma hahaha!
Sa wakas dumating na sila. Mga alas sais na ng gabi sila nakadating. Hehehe
TULOG:
Nagkatuwaan pa nun sa kwarto bago matulog. Yun na ata ang pinaka maingay at pinaka masayang gabi na kasama ko sila. Walang kupas talaga! (Dakmaan yung nilaro natin diba? Ooops, kayo na pong bahalang mag isip kung anung klaseng laro iyon! hahaha)
GISING:
Kinaumagahan, inihaw na namin yung natitirang hotdog (syet hindi masarap yung payless hotdog ng Mekeni, hahaha ang labsak!). Tinapay at hotdog ang kinain ko, sila may kape pa. Hehehe
(the making ng kuha ni roma sa itaas. Hihihihi. -nilagyan ng konting drama ang larawan)
Matapos nun ay nilibot naming muli ang beach, napadpad kami sa ibang beach resort at hwuala! Check nyo nalang yung pictures. hehehe
...UWIAN
Hahahaha, ito ang pinaka mahirap sa lahat. Easter Sunday, maraming biyaherong pauwi. Pagkadating namin sa terminal, eh hindi mahulugang karayom ang mga tao dun (as in literal na napakadaming tao). Napagdesisyunan naming magpunta sa bayan para sumakay ng Jeep papuntang Lian (may nagbanggit kasi saamin na mas maraming Bus ang nagbbyahe doon). Pagdating namin ng bayan, kumain muna kami ng lunch (sobrang tomjones na hihihi).
Pagkalabas namin ng karinderya, may paparating na isang Van. Sakto! Bbyahe sya pa puntang pala-pala. Good! Ang bait ni Lord, pinadala nya yun saamin. Hehehehe
Ooops, kailangan ko palang makauwi ng maaga, may paparty yung classmate ko nung highschool. Pero dahil traffic halos alas sais na ako ng gabi nakauwi saamin.
Ang saya ng adventure na to! Hehehe
Hanggang sa susunod na kabanata...











































